ISANG KRITIKAL NA PAGSUSURI SA EPEKTO NG CYBERBULLYING SA PAGPAPAHALAGA SA SARILI NG MGA MAG-AARAL SA KOLEHIYO
Kabanata 1
Introduksyon
Ang cyberbullying
ay isang uri ng pang-aabuso sa karapatan ng isang tao na ginagamitan ng electronikong
pamamaraan na nagaganap sa cyberspace o mas lalo natin alam na mundo ng
teknolohiya ng Internet. Ito ay nagppakita ng mga pahiwatig na ang isang
biktima ay maaaring dumaan sa mga emosyonal na pagsubok o pagdurusa gaya ng
pagkawala ng tiwala sa sarili, pagkawala ng interes sa buhay o pagdaan sa mga
uri ng depresyon sa buhay. Maituturing na ang cyber bullying ay isang modernong
sistema ng pang-aapi o paninira sa reputasyon ng iba.
Ang pananaliksik na ito ay nagnanais
na humanap ng mga kaukulang kasagutan sa mga katanungang isinasaad sa
sumusunod?
1. Anu-anong
uri ng mga cyber bullying and nararanasan ng mga mag-aaral sa kolehiyo?
2. Anu-ano ang
epekto cyber bullying sa pagpapahalaga sa sarili ng mga estudyanteng nakararanas
nito na mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas?
Layunin ng Pag-aaral tao
Ang pag-aaral na ito ay may layunin
na mabigyan ng mas malawak na pang pagsususri ang epekto ng cyber bullyng sa pagpapahalaga sa sarili ng
mga ma-aaral sa kolehiyo at makahanap ng mga intrbensyon upang ang sinumang
nahaharap sa isyu ng cyberbulying ay mapanatali ang lubos na pagkilala sa sa
sarili.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral nito ay ngtatmpok ng mga
mahahalagang pagsusuri ng mga nagaganap sa cyberspace at kung paanong ang cyber
bullying ay isang salik sa mbabang tiwala
ng isang tao sa kniang sarili. Ang mga datos ay magsisilbing gabay upang
maunawaan ang mga saloobin ng mga taong naapektuhan o may nalalamang pangyayari
ng cyberbullying.
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa
mga pangyayari sa Internet na may kinalaman lamang sa cyber bullying at kung saan sinusuri ang mga posibleng epekto sa
mga nasasangkot sa cyberbullying na mg
sitwasyon. Hindi nito sinasakop ang medisina o anumang gamut na kelangan sa
maayos na daloy ng ating katawan upang
hindi tayo masyadong malungkot kapag may gumagamit ng cyber bullying laban sa
atin. Ito ay sumasaklaw lamang sa mga datos na nalikom sa mga respondent mula
sa paaralan ng UST.
Depinisyon
ng mga Terminolohiya
Ang mga importanteng
terminolohiya ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
1.
Cyber bullying- ay isang uri ng bullying na
gumagamit ng puwersa upang mang-api o mang-abuso ng iba sa pamamagitan ng
Internet.
2.
Internet- ay ang daluyan ng mga inpormasyon sa
pamamagitan ng global network sa computer.
Teoretikal at
Konseptwal na balangkas
Sikolohiyang kognitibo ang teoretikal na
gagamitin sa pag-aaral upang maiugnay ang epekto ng cyber bullying sa
pagpapahalaga sa sarili ng mga mag-aaral. Ang konseptuwal na na balangkas ay
ang sumusunod:
Dependent Variable Epekto ng cyber bullying sa pagpapahalaga sa sarili ng
mga mag-aaral sa kolehiyo Independent variable: Iba’t ibang uri ng cyber bullying
Kabanta II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura
Kaugnay ana Literatura
a.
Dayuhan
Ang cyberbullying ay isang pang-aapi na
nakukuha mula sa paggamit ng teknolohiya ng Internet kung saan ang negatibong
mga opinion ay maipapabati sa mas madaling panahon. Ito ay isang konsepto na
lubhang madaling makapanira sa reputasyon ng iba sapagkat kahit saan ngayon ang
tao ay kayang magpakulo ng isang uri ng paksa na maari makasira sa iba.
Kabanata III
Disenyo ng Pananaliksik
Deskritib-analitik ang disenyo ng pananaliksik na gagamitin sa
pagsasaliksik at pagaaral ditto.
Respondente
Limampung estudyante ang gagamiting
respondent na magmumula sa iba’t ibang departamento sa paaralan mula sa
ika-unang antas ng kolehiyo sa UST sa panuruang 2017-2018.
Instrumento ng Pananaliksik
Sa pangangalap ng datos at impormasyon ay
sa pamamagitan ng random sampling technique. Isang sarbey sa pamamagitan ng isang
talatunugan o questionnaire ang pinakaispisipikong pangangalap ng datos sa
pag-aaral na ito. Ang unang bahagi ng
talatunugan ay ukol sa mga personal na inpormasyon ng respondent at ang
ikalawang bahagi naman ay ang tungkol sa iba’t ibang uri ng cyberbullying na
nararanasan ng mga mag-aaral sa kolehiyo at gayundin ang mga epekto ng
cyberbullying sa pagpapahalaga sa sarili ng mag-aaral.
Tritment ng Datos
Ang tritment ng datos ay sa
pamamagitan ng istatistikal na metodo ng pag-unawa at pagbibigay paliwanag.
Comments
Post a Comment